January 14, 2025

Home SPORTS

Misis, rumesbak agad kay Eumir Marcial: 'Kapal ng mukha mo!'

Misis, rumesbak agad kay Eumir Marcial: 'Kapal ng mukha mo!'
Photo courtesy: Princess Marcial, Eumir Marcial/Facebook

Muling bumuwelta ang misis in Pinoy Olympic boxer Eumir Marcial na si Princess Jenniel Marcial kaugnay sa isyu ng kanilang pagsasama bilang mag-asawa.

Sa pamamagitan ng Facebook post nitong Linggo, Enero 12, 2024, ni-reshare ni Princess ang video interview ni Eumir sa isang local media outlet kung saan ipinaabot ng boksingero ang kaniya raw paghingi ng tawad sa umano’y babaeng iniuugnay ng asawa sa kaniya.

“Kapal ng pagmumukha mo huminge ng tawad sa kabit at pamilya ng kabit. Pero ako na asawa hindi ka makahingi ng tawad. Bakla ka. Never ka naging lalaki. Wala ka ng Diyos Eumir Felix DS Marcial,” ani Princess.

Hinamon din ni Princess ang mister na panindigan daw nito ang umano’y mga kasinungalingang inilahad niya sa media upang depensahan daw ang panloloko nito.

John Amores, nagsalita sa isyung naging 'kabit' siya ni VP Sara

“Panindigan mo to hanggang dulo ang mga kasinungalingan mo. Buong pamilya natin alam na kabit mo yan,” saad ni Princess.

Matatandaang pumutok ang isyu sa pagsasama nilang mag-asawa matapos ilahad ni Princess sa social media ang pananakit at pambababae raw ni Eumir matapos ang 2024 Paris Olympics.

KAUGNAY NA BALITA: Olympian Eumir Marcial, kinasuhan ng misis! Nananakit at nambabae raw?

Kasunod nito, agad namang dumipensa sa Eumir at iginiit sa publiko na wala raw katotohanan ang lahat ng mga akusasyon ng kaniyang asawa.

KAUGNAY NA BALITA: Eumir Marcial, itinanggi alegasyon ng misis: 'Lahat ng sinabi niya sa social media, 'di totoo!'