Tila pinag-aaway daw ng mga netizen sina Kapuso artists at dating “Pulang Araw” stars Barbie Forteza at Sanya Lopez.
Sa latest episode ng “Cristy Ferminute” noong Biyernes, Enero 10, pinag-usapan ang makahulugang post ni Sanya tungkol sa karma.
Ayon umano sa Instagram story ni Sanya na expire na, “KARMA SAYS, ‘God removes people from your life Because He heard the conversation that you didn’t hear.’”
“Of course, alam nating kapatid niya si Jak Roberto, di ba?” saad ni showbiz columnist Cristy Fermin. “Kanino pa ba siyapapanig? Siyempre sa kapatid niya. Pero hindi naman siguro ibig sabihin ang pinariringgan niya si Barbie Forteza.”
“Oo, sang-ayon naman ng co-host niyang si Romel Chika. “Kasi alam niya namang hindi siya pwedeng mamagitan do’n. Kasi unang-una, kaibigan niya si Barbie, kasamahan niya sa trabaho.”
“‘Yong kapatid niya, hindi naman sila magkasama sa bahay n’on. Magkaiba pa sila ng manager. Mahirap talaga ‘to,” dugtong pa niya.
Kaya payo ni Romel, huwag na raw palakihin pa ang isyu dahil baka sa huli ay magkaayos din naman ang mga sangkot na personalidad at maiwan sa gitna ang mga marites na netizens.
Matatandaang kapapasok lang ng 2025 nang magulantang ang mga netizen dahil sa anunsiyo ni Barbie sa kaniyang social media post na hiwalay na sila ni Jak.
Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, nananatili pa ring tikom ang bibig ng aktor sa naging breakup nila ni Barbie matapos ang pitong taong pagsasama.
MAKI-BALITA: Matapos 7 taon: Barbie Forteza, Jak Roberto break na!