Gaano nga ba katotoo ang tsikang hindi na raw magtatagal pa sa ere ngayon taon ang primetime series na “FPJ’s Batang Quiapo” ni Coco Martin?
Sa latest episode ng “Showbiz Updates” kamakailan, nagbigay ng reaksiyon ang showbiz insider na si Ogie Diaz tungkol sa nasabing tsika.
“Ako naman, naniniwala ako na kapag kumikita ito, hindi dapat patayin. At feeling ko naman, ‘yong sinasabing hanggang 2025, ‘pag matatapos na ‘yong 2025 hanggang 2026 naman ito,” saad ni Ogie.
“On a yearly basis ang pagtatapos ng ‘Batang Quiapo,’” biro niya. “E lalo na, grabe ang utak ni Coco diyan. At bukod pa diyan e maraming characters na naman ang lalabas. “
Matatandaang nagmarka ang serye ni Coco na “FPJ’s Ang Probinsiyano” noong 2015 na umabot ng mahigit pitong taon sa ere.
Sa kasalukuyan, nakakadalawang taon na ang “Batang Quiapo.” Pero wala pa namang inilalabas na pahayag si Coco hinggil sa nalalapit nitong pagwawakas.