May 21, 2026

Home SHOWBIZ Teleserye

Resbak sa Primetime? Robin Padilla balik sa pag-arte, eeksena sa 'Blood vs Duty'

Resbak sa Primetime? Robin Padilla balik sa pag-arte, eeksena sa 'Blood vs Duty'
Photo courtesy: MB File Photo/gerladanderson3.7 (IG)

Inaabangan na ng fans at supporters ni Sen. Robin Padilla ang muling pagbabalik-akting niya sa telebisyon, sa action series na "Blood vs Duty" na pinagbibidahan nina Richard Gutierrez at Gerald Anderson, sa ilalim ng produksyon ng JRB Creative Production ng ABS-CBN.

Inilabas kasi ng JRB ang maiksing teaser sa isang "reresbak sa Primetime" at kapansin-pansing naka-highlight ang letrang R at letrang P.

"May matinding Reresbak sa Primetime. Abangan!" mababasa sa caption ng post.

Binigyan naman siya ng deskripsyon bilang "Kasangga ng Karaniwan," "Idolo sa Bakbakan," at "Ang Alamat ng Aksyon."

Ibinahagi naman ito ng senador sa kaniyang opisyal na Facebook page, pahiwatig na maaaring siya nga ang tinutukoy ng teaser, na inilabas noong Biyernes, Abril 24.

Teleserye

Ivana, windang sa halik ni Joshua: 'Grabe kang sumipsip!’

Kumakalat din ang ilang screenshot ng eksena nila ni Gerald kung saan mahihinuhang gaganap na Muslim si Robin sa nabanggit na serye.

Hindi naman nabanggit ni Robin kung kailan lilitaw ang karakter niya rito, at kung gaano katagal ang magiging appearance niya.

Bukod sa pagiging senador, una munang naging action star si Robin.

Ang huling teleseryeng nagawa niya sa ABS-CBN ay "Basta't Kasama Kita" katambal si Judy Ann Santos, noong 2003.