Napapatanong ang mga netizen kung gaano katotoo ang tsikang hiwalay na raw sina Sen. Win Gatchalian at Bianca Manalo, matapos lumabas ang write-up ng isang entertainment site tungkol dito.
Mababasa sa ulat ng Fashion PULIS nitong Martes, Enero 7, ang tungkol sa hiwalayan umano ng couple na isang showbiz personality at isang politiko, na tila isang blind item.
Mapapansin daw sa Instagram posts ng dalawa na tila wala na silang mga larawan na magkasama, kumpara sa previous posts na makikita sila together.
May pamagat ang ulat na "Have Senator Sherwin Gatchalian and Beauty Queen Actress Bianca Manalo Called it Quits?"
Ginawang hint ng intriga ang tungkol sa November 29, 2024 Instagram post ni Bianca tungkol sa kaniyang "batang sarili."
"Don’t worry, little Bianc You’re going to be okay ," mababasa sa caption.
Wala ring pagbati mula sa senador para sa selebrasyon ng kaniyang 38th birthday, sa kaparehong petsa. Hindi rin sila nag-picture together.
Sa mga sumunod na Instagram posts ni Bianca ay kapansin-pansing siya na lamang mag-isa sa mga larawan o video, o kung may kasama man, mga kaibigang babae na lamang.
Batay rin sa Instagram posts niya noong Bagong Taon ay walang Sen. Win ang makikitang kasama niya habang nasa Tokyo, Japan.
Kung bibisitahin din ang Instagram posts ni Sen. Win ay hindi rin makikitang kasama niya si Bianca, personal man o work event.
Kapansin-pansin ding parehong naka-limit lamang ang comment section ng kanilang Instagram posts.
Sa dulo ng write-up, ayon daw sa source ng Fashion Pulis, ay kinumpirma nitong maaaring wala na nga ang dalawa.
"A reliable source of Fashion PULIS claims that Senator Sherwin Gatchalian and Beauty Queen Actress Bianca Manalo may have called it quits," mababasa rito.
Matatandaang nasangkot sa eskandalo si Bianca nang dahil sa kumalat na screenshot ng umano'y private conversation nila ni Kapuso actor Rob Gomez, bago matapos ang 2023.
MAKI-BALITA: Bianca Manalo at Rob Gomez, palihim na nagkikita?
MAKI-BALITA: Bianca Manalo sinabing magbibigay lang daw ng Christmas gift si Rob Gomez
Nagkasama ang dalawa sa kauna-unahang teleseryeng pinagbidahan ni beauty queen-actress Herlene Budol, ang "Magandang Dilag."
Ngunit matapos ang isyu ay tila hindi naman naapektuhan ang kanilang relasyon ng senador.
Sa katunayan, napag-usapan pa nga ang halikan ng dalawa habang nasa senado, noong Agosto 2024.
MAKI-BALITA: Win Gatchalian, Bianca Manalo, nagtukaan sa Senado
Kaya tanong ng mga netizen, ano nga raw kaya ang puwedeng puno't dulo ng umano'y hiwalayang ito, kung sakaling totoo at kumpirmado?
Wala pang tugon, reaksiyon, pahayag, post, o anumang kumpirmasyon ang kampo nina Sen. Win at Bianca tungkol sa isyung ito. Bukas ang Balita sa kanilang panig.