Dismayado si Metro Manila Film Festival (MMFF) spokesperson Noel Ferrer sa mga sinasamantala ang libreng MMFF Pass.
Sa isang Instagram post ni Ferrer noong Lunes, Enero 6, ibinahagi niya ang screenshot ng isang post mula sa Facebook group na nagbebenta ng naturang pass.
“GRABE NAMAN TALAGA … NOT FOR SALE po di ba? Tsk tsk …nakakadala namang magbigay ng MMFF pass sa mga ganitong tao !!! Hayyyyyy,” saad ni Ferrer sa caption.
Umani naman ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang naturang post. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
"meron di po ako na ganito na not for sale naka lagay pero binebenta di ko lang pinansin"
"Sana pinamigay na lang sa mga kaubigang gustong makapanood!"
"Tapos sobrang mahal pa ng benta nila. "
"Libre binigay tapos pinagkitaan, ibang klase! Dapat sa susunod ibigay sa mga fans na lang, relatives at mga kaibigan"
"Maganda pong ipamigay yan sa mga may track record ng panonood ng Filmfest talaga. Kaya next time po, paconsider kami ni @chiccosonofzeus."
"Kami rin po sana e consider mga legit na nanonood ng mmff"
Samantala, extended pa sa mga sinehan sa bansa hanggang Enero 14 ang MMFF.
MAKI-BALITA: MMFF 2024, extended hanggang Enero 14!