January 07, 2025

Home SHOWBIZ

Mikee Reyes namaalam na sa Frontline Pilipinas, anyare?

Mikee Reyes namaalam na sa Frontline Pilipinas, anyare?

Ikinagulat ng fans ni "Tito Mikee Reyes" ang Facebook post niya, Sabado, Enero 4, matapos niyang ipabatid sa lahat na wala na siya sa flagship newscast ng TV5 na "Frontline Pilipinas."

Si Mikee o Tito Mikee ang sports news presenter ng nabanggit na newscast na katapat ng "TV Patrol" ng ABS-CBN at "24 Oras" ng GMA Network, sa pangunguna nina Cheryl Cosim, Jiggy Manicad, at Julius Babao. Si Jervi Wrightson, na unang sumikat bilang si KaladKaren Davila, ang siya namang presenter ng showbiz at entertainment news.

Mababasa sa Facebook post ni Mikee, "I RESIGNED FROM FRONTLINE. Thank you for the coolest year and a half, News5! "

"At yan ang mga pandiinang sports news today, it's your Sports Tito Mikee Reyes, Peace and Love!" "

Small Laude, reregaluhan ng lote ang kaniyang 'angel'

Humamig naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"To more milestones and greener pastures (and doing what we really love, and what matters)!"

"Kinuha lang yung 13th month at christmas bonus"

"So ibig sabihin wala na sya tv5?"

"Time is a priceless commodity. Iba pa rin yung flexible sched mo at nagagawa mo yung gusto mo roon sa prime hours ng araw mo. Looking forward sa iba mo pang content at sa mas maraming Shoot First episodes hehehe."

"For me lang naman ‘to, hehe, I think time management lang yung kulang. Kasi kung 5 hours lang kinakain ng oras nya sa TV5, and hindi naman yun everyday I guess, he can do content creation sa morning or sa weekend kahit ilang oras lang para may time pa sya sa family but it seems he wanted to focus more on content creation na talaga. Hehe, yun lang naman for me. Di ko siya kilala ha, based lang ‘to sa napanood ko sa podcast. But yeah, it is what it is. Hehe. I’m happy for you Tito Mikee, whatever your decision is, I understand you, support lang me sa ‘yo."

"Excited for what lies ahead for you Tito Mikee."

Sa kaniyang podcast na "Tito Thoughts," mapapanood at mapakikinggan sa episode 52 na may pamagat na "RESIGNED" ang dahilan ng kaniyang pagbibitiw bilang sports news presenter sa Frontline Pilipinas.

Aniya, sa kabila raw ng dami ng mga natutuhan, nakasalamuha, at naranasan sa pagiging bahagi ng nabanggit na newscast program, naging "painful" daw para sa kaniya ang pagbibitiw.

Ngunit kinailangan na raw niyang bitiwan ang trabahong iyon upang mas magpokus sa content creation.

Ang oras daw na nagugugol niya mula 4:00 ng hapon hanggang 9:00 ng gabi sa TV5 ay puwede na raw niyang gamitin para sa paggawa ng content.

Para sa line of work ni Tito Mikee, mahalaga ang content creation dahil sa pamamagitan nito ay mas lumalawak ang reach at mas nakikilala siya ng iba't ibang brands, na nagiging dahilan din para magbukas ng iba't ibang oportunidad para sa kaniya gaya ng endorsements, hosting gigs, at iba pa.