Pinalagan ng aktor na si John Estrada ang mga nagpapakalat ng bali-balitang may namamagitan umano sa kanila ng “FPJ’s Batang Quiapo” co-star niyang si Barbie Imperial.
Sa latest Instagram post ni John nitong Linggo, Enero 5, sinabi niyang hindi raw niya kilala si Barbie sa personal na lebel.
“Minsan ko lang lang ho sya nakita sa xmas special ng abs cbn ng 2021 or 2022, at yun na ho ang huling pagkikita namin sa naalala ko,” saad ni John.
Dagdag pa niya, “Totoo po mag kasama kame sa Batang Quiapo pero ni minsan e HINDI kame nagkita dahil po iba ang grupo nya, unit, at direktor nya, kung sino man nag simula nito e puede ka maging komedyante.”
Kaya panawagan ng aktor sa mga online newspaper, tabloid, tsismis sites, mag-research daw muna bago maglabas ng balita.
“Yun lang po at maraming salamat Happy new year po uli sa inyong lahat ” pahabol pa ni John.
Matatandaang nauna nang nagbigay ng reaksiyon si Barbie tungkol dito sa pamamagitan ni showbiz insider Ogie Diaz.
MAKI-BALITA: Barbie Imperial, nag-react sa pagkaka-link kay John Estrada