January 08, 2025

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

David 'chill lang' sa kabila ng hiwalayang JakBie

David 'chill lang' sa kabila ng hiwalayang JakBie
Photo courtesy: David Licauco, Barbie Forteza (IG)

Usap-usapan ng mga netizen ang Instagram post ng Kapuso star at tinaguriang "Pambansang Ginoo" na si David Licauco matapos sumabog ang balitang hiwalay na ang katambal na si Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza sa kaniyang ngayo'y ex-boyfriend na si Kapuso actor Jak Roberto, matapos ang pitong taong relasyon.

Sina Barbie at David, na nagsimulang sumikat ang tambalang "FiLay/BarDa," ay talagang umalagwa bilang magkatambal dahil sa historical-drama series na "Maria Clara at Ibarra."

Matapos ang opisyal na pagsasabi ni Barbie na hiwalay na sila ni Jak sa hindi pa tinukoy na dahilan, nakaladkad sa isyu si David dahil nga matagal na silang shini-ship ang dalawa.

Lalong umingay ang pagdawit kay David nang mapag-alamang single na pala siya noong Disyembre pa. Nagkakaroon tuloy ng mga espekulasyong baka may kinalaman siya sa nangyaring hiwalayan.

Relasyon at Hiwalayan

Carlos Agassi sa bashers: 'Wala na kayo sa mundo kami pa rin ng wify ko!'

Kaya naman napa-react ang mga netizen sa latest Instagram post ni David kung saan may simpleng caption itong "chill lang."

Bukod dito, naglapag din ng mga throwback photo ang pambansang ginoo na nagpapakita ng ilan sa mga highlight ng kaniyang 2024.

Samantala, narito naman ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens.

"Chill lang kasi clear ang conscience"

"Chill na chill lang. btw, kumain ka na ba?"

"People would speak up for you ‘coz you are a great person, David! We got you, always in all ways!"

"trueeee walang kasalanan, walang dapat ipangamba."

KAUGNAY NA BALITA: Matapos 7 taon: Barbie Forteza, Jak Roberto break na!