Agad na nag-trending sa X ang "BarDa," "Jak Roberto," at "Barbie Forteza" matapos pormal na i-anunsyo ng huli ang hiwalayan nila ng ex-boyfriend na si Kapuso hunk actor Jak Roberto sa pamamagitan ng Instagram post, sa pangalawang araw pa lamang ng Enero 2025.
Tila naging pasabog gaya ng mga rebentador sa salubong ng Bagong Taon ang anunsyo ni Barbie na nagtapos na nga ang pitong taong relasyon nila ni Jak.
"'Don’t cry because it’s over. Smile because it happened' - Dr. Seuss," panimulang quote ni Barbie sa kaniyang Instagram post.
"Having you in my life was the happiest I had ever been. Seven wonderful years. A lot of laughs, a lot of ramen and so much love."
"Your love was exceptional."
"But sometimes, good things fall apart so better things can come together."
"Beautiful goodbye, @jakroberto," anang Barbie.
"Thank you for loving me the way you did. I am excited for what’s to come for the both of us. You take care of yourself. May you find the love you deserve."
"I hope for everyone’s understanding and I wish you can help us put this matter to rest," pagtatapos ni Barbie.
MAKI-BALITA: Matapos 7 taon: Barbie Forteza, Jak Roberto break na!
Hindi naman binanggit ng Kapuso star kung ano ang dahilan ng kanilang paghihiwalay.
Dahil dito, trending ang "BarDa" o ang tambalang nabuo sa pagitan nila ng tinaguriang "Pambansang Ginoo" na si David Licauco, dahil sa pumatok na teleseryeng "Maria Clara at Ibarra."
Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens.
"More to come for #BarDa hahaha "
"Sorry bie but i am happy i look forward s success mo as an actress at as barda love team wl ng pdeng mkpigil kse doon k nsisira sa mga limitation mo hoping n ang barda more project without hesitations na."
"Finally single na si Barbie single na rin si David! Maybe BarDa talaga ang para sa isat isa "
"Nasa-sad ako para sa JakBie pero happy naman ako para sa BarDa OMG."
"Well, hindi na ako nagulat na mangyayari ito, medyo na-delay nga lang at umabot pa sa 7 taon."
"May kinalaman kaya ang love team? May third party kaya?"
Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo nina Barbie at Jak tungkol dito.