January 02, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Reaksiyon nina Sue at Cristine sa waging MMFF Best Supporting Actor, binakbakan

Reaksiyon nina Sue at Cristine sa waging MMFF Best Supporting Actor, binakbakan
Photo Courtesy: Screenshot from MMFF (FB)

Napuna ng mga netizen ang reaksiyon nina “The Kingdom” stars Sue Ramirez at Cristine Reyes matapos nilang ianunsiyo ang nagwaging Best Supporting Actor sa ginanap na 2024 Metro Manila Film Festival Gabi ng Parangal.

Sa X post ni “Ate Chona” kamakailan, mapapanood ang video clip kung saan maririnig pang humirit si Cristine para igiit na nararapat sa co-star nilang si Sid Lucero ang naturang parangal.

“‘Kailangan si Sid to ah…’Okay lang ba si Cristine Reyes?!? Disappointed si girl.” saad sa caption ng post.

Umani tuloy ito ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

Tsika at Intriga

Sino si Mark Ian Garcia at bakit siya trending sa X?

"parang nasa baranggay contest si baccla. maputi lang talaga to eh "

"The presenters should act accordingly din dapat while presenting. It’s odd na ganyan sila humarap sa mga co-actors and directors nila while presenting napaka unruly tignan at di nakiaa prestigious yung dating"

"As a presenter, dpat naman mejo practice on being unbiased as respeto sa lhat ng nominees esp sa nanalo. After nlng sana magpresent ilabas ang pagiging bias. Tsk tsk"

"Starstruck days palang attitude na Yan kaya unang natanggal sa girls nakatarayan pa si Yasmin & Katrina"

"I knowwww para silang h1gh ni Sue nag present. Suppeerrr weird ng vibes"

"Dinig na dinig sa Microphone eh"

"Ang kalat nila mag-present sa totoo lang...hnd na nga nako-coordinates, dami pang side comment...like tlga ba???OFF po mic mga ante.."

"Kairita ng presenter na ‘yan"

Matatandaang bukod kina Cristine at Sue, nasita rin ng mga netizen si Kapuso actress Gabbi Garcia dahil sa inasta nito bilang host ng naturang awarding ceremony.

MAKI-BALITA: Gabbi, sinita sa Gabi ng Parangal: 'Awards night 'yan hindi intramurals!'