January 01, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Bela Padilla, inintriga matapos mag-Pasko kasama si Kyle Echarri

Bela Padilla, inintriga matapos mag-Pasko kasama si Kyle Echarri
Photo Courtesy: Bela Padilla (IG)

Tila nabahiran ng malisya ang pakikipagdiwang ng Kapaskuhan ni Bela Padilla sa kapuwa niya artistang si Kyle Echarri.

Sa isang Instagram post kasi ni Kyle Echarri kamakailan, makikitang bukod sa kaniyang pamilya, kasama niya sa mga serye ng larawan si Bela.

“Happy birthday Jesus Christ From mi Pamilya and our new “@bela” in the family” saad ni Kyle sa caption.

Umani tuloy ang naturang post ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

Tsika at Intriga

Sino si Mark Ian Garcia at bakit siya trending sa X?

"Aww mas gusto ko sila ni Blythe "

"bat kasama si ateqong bela?"

"Matured na babae ang gusto hindi yung pabebe na mang aagaw "

"girlfriend ba niya si bella Padilla?"

"Close dn pla cla n bella padilla"

"Hindi ba pwedeng parang magkapatid lang ang turingan nia since Bella din yung name nung sister niya?? What happened ppl? Ganun naba kayo ka judgemental"

"Pagpasensyahan mo na ung mga praning Kyle...ikaw LNG nakakakilala sa sarili mo wag paapekto saknla... wishing you & your family a complete happiness."

"grabe naman comments kaloka"

Samantala, sa IG post naman ni Bela ay ikinuwento niyang balak lang daw sana niyang gugulin ang Pasko sa pagbababad sa Netflix kasama ang alagang si Alfie ngunit “inampon” daw siya ng pamilya ni Kyle.

“I feel very blessed and happy to have been welcomed in for a few days, to enjoy the ocean, the mountains, the rain and the fact that this time next year, I won’t know where I’ll be, but I know that if I won’t be in my sister’s home in Collingham…there’s a bungalow in Cebu that takes in strays like me,” lahad ni Bela sa isang bahagi ng post.