January 07, 2025

Home SHOWBIZ

Andrea tinalbugan lahat, may pinakamagandang mukha ngayong 2024

Andrea tinalbugan lahat, may pinakamagandang mukha ngayong 2024
Photo courtesy: Andrea Brillantes (IG)

Si Kapamilya star Andrea Brillantes ang itinanghal na number 1 sa Top 100 "Most Beautiful Face" na isinagawa ng TC Candler at The Independent Critics.

Malaki ang itinalon ni Blythe sa puwesto dahil noong 2023, siya ay nasa 16th rank.

Bukod kay Andrea, anim pa sa Filipina celebrities ang pasok sa top 100 gaya nina Liza Soberano (31st), Janine Gutierrez (28th), Belle Mariano (52nd), Ivana Alawi (69th), Filipina K-pop idol Gehlee ng UNIS (82nd) at BINI Aiah Arceta (88th).

Sa men's category naman, pasok sa listahan ng Most Handsome Faces sina Kyler Chua ng HORI7ON (21st) at Justin De Dios ng SB19 (41st).

Relasyon at Hiwalayan

Rayver, proud kay Julie Anne matapos manalo sa Aliw Awards

Noong 1990 pa nagsimulang maglabas ng listahan ng ganito ang TC Candler at The Independent Critics. Ang kanilang listahan ng Most Beautiful Faces sa buong mundo ay nagmula sa 40 bansa. Noong 2013 naman sila nagsimulang maglabas ng Top 100 Most Handsome Faces.