January 29, 2025

Home SHOWBIZ Events

Vice Ganda sa kaniyang Special Jury Citation award: 'Award for what?'

Vice Ganda sa kaniyang Special Jury Citation award: 'Award for what?'
(screenshot: MMFF/FB)

Aminado si Unkabogable Star Vice Ganda na hindi niya alam kung anong award ang "Special Jury Citation" na iginawad sa kaniya sa 2024 MMFF Gabi ng Parangal nitong Biyernes, Disyembre 27.

KAUGNAY NA BALITA: Listahan ng mga nagwagi sa 2024 MMFF Gabi ng Parangal

Kaya nagulat siya nang tawagin ang pangalan niya nina Lorna Tolentino at Dennis Trillo.

"Pagtayo ko tinatanong ko si Direk Jun at saka si Uge, ano ba itong award na ito?" natatawang sabi ni Vice Ganda nang tanggapin ang award.

Events

State university sa Zambales, nag-sorry sa pagkakamali sa tarp ni CJ Opiaza

"Special Jury Citation for what? For best dressed for tonight? For best performance? Gano'n ba 'yon? Seriously, hindi ko talaga alam. Nagtatanga-tangahan ako, ayoko naman magpasalamat kung hindi ko naiintindihan 'yong award," dagdag pa niya.

Dahil dito, binasa ni Dennis ang ibig sabihin ng naturang award. 

"The Jury of the 50th MMFF Awards Special Citation to a performer who has broken the ground and gone out familiar and comfort zone to prove this growth as an artist and tackled issues relevant to the contemporary society. The MMFF Jury honors Vice Ganda for his achievement in this year's festival," saad ng aktor. 

Nagpasalamat si Vice Ganda sa naturang award. Pabiro man niyang sinabi pero nagpapasalamat siya dahil aniya siya raw ay "finally seen."

"Thank you very much. I have long been waiting for this, at last finally I am seen. Hindi joke 'yon. Maraming maraming salamat po sa pagkilalang 'yon. Thank you so much tonight for I am seen with this movie, with this project. I am finally seen. I have participating the festival for years, this is first time na mayroon akong award," saad ng It's Showtime host. 

Bukod dito, nagpasalamat din siya sa ABS-CBN na kahit daw "hirap na hirap" ay pinipilit pa ring gumawa ng magagandang proyekto, kung saan napapabilang siya. 

Nagpasalamat din ang aktor sa director ng pelikula niyang "And The Breadwinner Is..." na si Jun Lana. 

"Maraming salamat kay Direk Jun Lana dahil binigyan mo ako ng ganitong storya na inaantay na rin ng marami. Binigyan mo ako ng ganitong pagkakataon na gumanap sa isang karakter na hindi lang magpapatawa, mang-aaliw sa mga manonood kundi tutusok sa mga puso at kaluluwa ng mga makakakita nito, at makapagbibigay ng maraming realizations at maraming maraming aral sa mga makakatunghay ng pelikulang ito. Maraming salamat sa paggabay mo," mensahe ni Vice.

Samantala, biro rin niya Vice na hahabaan na niya ang pasasalamat dahil baka raw ang ibig sabihin nito ay hindi siya ang "best actor."

"My God, hahabaan ko na kasi baka itong award na ito ibig sabihin hindi ako magbe-best actor," aniya na nagpatawa sa mga tao. "Baka ito 'yong award sa mga first runner up. 'Yong baka sayang naman 'yong outfit saka sikat naman siya paakyatin na natin siya for the star value of the moment. Pero Special Jury Citation, maraming salamat sa pagkilala. Shineshare ko ito sa mga kapwa ko artista sa pelikulang ito."

Matatandaang ang nanalong "best actor" sa MMFF 2024 ay si Dennis Trillo para sa pelikula niyang "Green Bones." 

KAUGNAY NA BALITA: Listahan ng mga nagwagi sa 2024 MMFF Gabi ng Parangal