Tila hindi kumbinsido ang Kapamilya TV host-actor na si Luis Manzano sa naging resulta ng 2024 Metro Manila Film Festival Gabi ng Parangal.
Sa Facebook post kasi ni Luis nitong Sabado, Disyembre 28, ni-reshare niya ang post ng isang netizen na nanghinayang sa tila pambabalewala umano ng award-giving body sa “Uninvited.”
Matatandaang kabilang sa cast ng naturang pelikula ang ina ni Luis na si Star For All Seasons Vilma Santos.
“Labo, kahit nomination ” saad ni Luis sa caption.
Umani naman ito ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
"#JusticeForUninvited"
"Itigil na ksi yang MMFF.. sa Pinas, palakasan tlga, hwg na umasa."
"Yung jury citation pasok sana as acknowledgement ng mga veteran stars. I stand corrected since I've no idea what is the criteria for that."
"uninvited din sa award tsk"
"Kaya nga, nagulat ako tinalo ni Juday si Vilm."
"Dennis trillo deserved niya ang Best Actor"
Pero paglilinaw ni Luis, wala raw siyang problema sa mga indibidwal at pelikulang nagwagi.
“Nomination pinaguusapan, hindi winners. Magpababa muna po kayo ng tama , balik ka nalang pag ok ka na po ” aniya.
MAKI-BALITA: Listahan ng mga nagwagi sa 2024 MMFF Gabi ng Parangal