Binitawan na raw ng Cornerstone Entertainment ang singer-songwriter na si Moira Dela Torre ayon sa showbiz insider na si Ogie Diaz
Sa latest episode ng “Showbiz Updates” noong Huwebes, Disyembre 26, inispluk ni Ogie ang dalawang dahilan kung bakit wala na raw si Moira sa pangangasiwa ng naturang entertainment agency.
“Ang mga nakarating sa ating tsika: una, may attitude daw noon pa si Moira. Pangalawa, nagde-demand daw si Moira ng mga ‘anong plano n’yo sa akin? Ano bang mga gagawin ko pa?’” saad ni Ogie.
“Lately, wala na tayong nababalitaang mga pinasikat pang awitin ni Moira. So, ‘yong paga-attitude daw ni Moira ay malaking factor para mag-decide daw ang Cornerstone na siya ay bitawan na,” wika niya.
Dagdag pa ng showbiz insider, nakiusap pa raw ang singer-songwriter na baka pwede ang co-management. Ngunit hindi raw pumayag ang Cornerstone.
Pero sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang inilalabas na pahayag o reaksiyon ang magkabilang panig tungkol sa naturang tsika. Bukas ang Balita sa kanilang panig.