Isang malungkot na balita ang hatid ng direktor na si Pepe Diokno tungkol sa reimagined version ng iconic movie na “Himala.”
Sa Facebook post ni Pepe nitong Biyernes, Disyembre 27, sinabi niyang siyam na sinehan na lang daw ang nagpapalabas sa “Isang Himala.”
“Just got the heartbreaking news that 'Isang Himala' is down to 9 cinemas… Pero madadagdagan tayo ng Powerplant bukas!” saad ni Pepe.
Kaya pakiusap niya, “Please watch the film before it’s too late, and please request the film from your nearest cinema if it’s not yet showing in your area.”
Matatandaang bukod kay Pepe, nanawagan na rin si “Isang Himala” lead star Aicelle Santos na unahing panoorin ang kanilang pelikula.
MAKI-BALITA: Panawagan ni Aicelle Santos, unahin ang 'Isang Himala' sa MMFF
Samantala, ayon naman sa listahang inilabas ni Ogie kung aling pelikula ang nangunguna sa 2024 Metro Manila Film Festival, makikitang nasa pinakailalim ang “Isang Himala.”
MAKI-BALITA: Ogie Diaz, isiniwalat nangungunang pelikula sa 2024 MMFF