December 22, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Matapos bigyan ng bulaklak: Daniel hinalikan sa bumbunan si Kathryn?

Matapos bigyan ng bulaklak: Daniel hinalikan sa bumbunan si Kathryn?
Photo Courtesy: via MB, Screenshot from Showbiz Updates (YT)

Pinagpipiyestahan umano ang isang video clip kung saan makikitang hinalikan ni Kapamilya star Daniel Padilla ang ex-girlfriend niyang si Kathryn Bernardo habang may hawak na bulaklak.

Sa latest episode ng “Showbiz Updates” noong Sabado, Disyembre 21, hindi naiwasang tanungin si showbiz insider Ogie Diaz kung ang naturang video ba ang aktuwal na eksena ng itsinika niya kamakailan tungkol sa pagbibigay umano ni Daniel ng bulaklak kay Kathryn nang puntahan niya sa dressing room ang huli.

MAKI-BALITA: 'May dalang flowers!' Daniel, pinasok si Kathryn sa dressing room?

“Hindi naman yata ‘yan ‘yon. Kasi kung dressing room, gano’n ba ang hitsura ng dressing room? Saka ba’t mo naman hahalikan si Kathryn dito [sa bumbunan]?” saad ni Ogie.

Tsika at Intriga

Dennis Trillo, nagsalita na sa inisyung 'May ABS pa ba?'

Dagdag pa ng showbiz insider, “Siyempre, may wall na sila. Wala na sila, e. Alangang halikan mo pa ‘yon.”

At dahil wala raw naglalabas ng pahayag sa pagitan nina Daniel at Kathryn para pabulaanan ang naturang tsika, ipinagpapalagay ni Ogie na talagang nag-usap ang dalawa.

“I, therefore, conclude it really happened,” aniya.

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, hindi pa rin nagsasalita sina Kathryn at Daniel. Bukas ang Balita sa kanilang panig.

MAKI-BALITA: Sinamantala ang pagkakataon? Daniel, pinasok daw si Kathryn habang wala si Mommy Min