Ibinahagi ng showbiz insider na si Ogie Diaz ang nasagap niyang tsika tungkol sa singer na si Gigi De Lana na ngayon ay nakauwi na raw sa Pilipinas mula sa US tour nito.
Sa latest episode ng “Showbiz Updates” noong Sabado, Disyembre 22, sinabi ni Ogie na gusto raw sanang lumabas ni Gigi sa telebisyon ngunit tila may pumipigil daw.
“Ang tsika, nag-breach daw ng kontrata sa Star Magic si Gigi. Nagsarili. Hindi finullfill ang kaniyang obligasyon sa pinirmahang kontrata,” saad ni Ogie.
Dagdag pa ng showbiz insider, “Gustong i-promote ni Gigi ang bago niyang song. Pero banned na nga ba ito sa ABS-CBN? Pati rin daw sa GMA, hindi raw maka-penetrate itong si Gigi.”
Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang inilalabas na anomang pahayag o reaksiyon si Gigi hinggil sa naturang isyu.
Kaya sana, hiling ni Ogie, mabigyang-linaw daw ito ni Gigi dahil madali naman daw kausap ang ABS-CBN sa kontrata.
Matatandaang namatayan si Gigi ng ina noong Mayo habang may ginagawang international show sa Canada.
MAKI-BALITA: Kahit nagluluksa: Gigi De Lana, itinuloy show sa Canada