Niyanig ng magnitude 4.0 na lindol ang probinsya ng Eastern Samar dakong 12:56 PM nitong Linggo, Disyembre 22, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Base sa tala ng Phivolcs, tectonic ang pinagmulan ng lindol.
Namataan ang epicenter nito 23 kilometro ang layo sa timog-kanluran ng Homonhon Island sa Guiuan, Eastern Samar, na may lalim na 51 kilometro.
Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.
Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.