May 21, 2026

Home BALITA Metro

MRT-3, may libreng sakay para sa mga manggagawang Pinoy sa Mayo 1!

MRT-3, may libreng sakay para sa mga manggagawang Pinoy sa Mayo 1!

Iraratsada ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) ang “libreng sakay” para sa mga manggagawang Pilipino sa darating na Biyernes, Mayo 1. 

Batay sa anunsyo ng Department of Transportation (DOTr)-MRT-3 nitong Martes, Abril 28, ang libreng sakay ay magsisimula ng 7:00 AM hanggang 9:00 AM at magpapatuloy mula 5:00 PM hanggang 7:00 PM. 

Anila pa, kinakailangan lamang dalhin at ipakita ng mga manggagawa ang kanilang company ID upang makakuha ng libreng sakay. 

Matatandaang nauna nang ianunsyo ng pamunuan ng Light Rail Transit Authority (LRTA) ang libreng sakay din sa LRT-2 para sa mga manggagawa bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Araw ng Paggawa o Labor Day sa Mayo 1. 

MAKI-BALITA: LRT-2, may libreng sakay sa mga manggagawa sa Mayo 1!

Metro

53-anyos na babae, namatay sa gitna ng AICS payout