Aarangkada ang “libreng sakay” ng Light Rail Transit Authority (LRT) - 2 para sa mga manggagawa sa darating na Biyernes, Mayo 1.
Ayon sa anunsyo ng pamunuang LRTA, ang libreng sakay ay magaganap mula 7:00 AM hanggang 9:00 AM at 5:00 PM hanggang 7:00 PM.
Anila pa, ang inisyatibang ito ay pakikiisa sa pagdiriwang ng Araw ng Paggawa o Labor Day, upang kilalanin ang walang-sawang pagsusumikap, determinasyon, at sakripisyo ng mga manggagawang Pinoy.
“Ang libreng sakay na ito ay munting pagkilala sa walang sawang pagsusumikap at sakripisyo ng mga manggagawang Pilipino. Sa pamamagitan nito, hangad naming maipadama ang aming taos-pusong pasasalamat at mataas na pagpapahalaga sa kanilang dedikasyon,” ani LRTA Administration Hernando Cabrera.