December 21, 2024

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Rayver Cruz, todo-bigay kapag nagmahal

Rayver Cruz, todo-bigay kapag nagmahal
Photo Courtesy: Screenshot from GMA Network (YT), Julie Anne San Jose (IG)

Inamin ni Kapuso actor Rayver Cruz na hirap daw siyang turuan ang sariling limitahan ang pagbibigay ng pagmamahal sa taong iniibig niya.

Sa latest episode kasi ng “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Biyernes, Disyembre 20, inusisa si Rayver kung ibinibigay ba niya nang todo ang sarili niya kapag nagmamahal.

“Yes,” sagot ni Rayver. “That’s the beauty of it naman, e. You learn from that naman, e, kapag nangyari ‘yon ‘di ba.” 

“For me, hirap din akong turuan ‘yong sarili ko na kailangang magtira ng ganyan. Kapag love ko ‘yong isang tao, buong-buo,” wika niya.

Relasyon at Hiwalayan

Dominic Roque, Sue Ramirez nasa dating stage na!

Dagdag pa ng aktor, “Ako kasi ang thinking ko ‘pag naging karelasyon ko na ‘yong tao…ito na ‘yon hanggang pagtanda ko.”

Kaya naman sa 2025, siguradong-sigurado raw si Rayver na mahal na mahal pa rin niya ang jowang si Julia Anne San Jose.