Ibinahagi ng BINI member na si Aiah Arceta kung ano ang standard niya pagdating sa kaniyang magiging future partner sa buhay.
Sa kaniyang Q and A session na #AskAiah sa X (dating Twitter), nausisa siya ng isang netizen tungkol sa naturang bagay.
Ayon sa kaniya, “yong hindi lang mabait sa akin but in general mabait sya sa lahat kase yung puso nya ay totoong kabaitan lang yung laman. Yung tipong mga bata, matanda, parents, aso, or sino man yan ay naturally nag ggravitate sa kanya kase ang calming at peaceful ng aura nya.”
Pero sa ngayon, wala pa raw siya sa puntong iyon ng kaniyang buhay. Na sa kaniyang pagso-solo travel, na-realize daw niya na okay naman daw pala siyang mag-isa lang niyang ginagawa ang mga bagay na gusto niya.
Sa katunayan, tila handa rin daw si Aiah sa posibilidad na tumanda siyang mag-isa at walang asawa.
“I don’t feel lonely, instead I feel free just being in my own happy bubble. So finding a future partner doesn’t pressure me at all. If meron in the future, thank you Lord. If wala, thank you Lord din haha,” aniya.
Dagdag pa niya, “Basta sabi ko sa sarili ko na if I am gonna be with someone in the future, yun na yun. Hopefully someone who’s such a great person and can bring more peace to my life. It’s either that or I just stick to my own peace aka myself in which I am already happy haha.”
Pero sa ngayon, ang grupo raw muna niyang BINI ang pagtutuunan niya ng buong atensyon.
Matatandaang sa isang panayam ng BINI leader na si Jhoanna Robles ay sinabi niyang ang grupo rin ang priority niya kahit may nanliligaw raw sa kaniya.
MAKI-BALITA: BINI Jhoanna, umaming may manliligaw!