January 17, 2025

Home BALITA National

DOJ Usec. Andres may paalala sa pagiging abogado ni VP Sara

DOJ Usec. Andres may paalala sa pagiging abogado ni VP Sara
Photo courtesy: Presidential Communication Office, House of Representatives/Facebook

Tahasang tinawag ni Department of Justice Undersecretary Jesse Andres na delikado raw ang mga naging pahayag ni Vice President Sara Duterte kaugnay ng “death threat” niya kina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, First Lady Liza Marcos at House Speaker Martin Romualdez. 

Sa press briefing na isinagawa ni VP Sara noong Miyerkules, Disyembre 11, 2024, inamin ni VP Sara na hindi raw siya nagsisi sa pagbanggit niya ng umano’y death threat. 

“No, buti na ‘yung alam nila na ‘pag namatay ako, I will not die in vain," simpleng sagot ng bise presidente.

KAUGNAY NA BALITA: VP Sara, 'di nagsisi sa 'death threat' niya kina PBBM, FL Liza, Romualdez

National

Malacañang, naglabas ng pahayag hinggil sa komento ni Enrile sa INC rally

Matatandaang noong Miyerkules din, ang rescheduled date ni VP Sara sa National Bureau of Investigation (NBI) matapos siyang mabigyan ng subpoena ng nasabing ahensya upang ipaliwanag umano kung bakit niya nasabi ang pagbabanta sa kampo ni PBBM, ngunit bigo muling makadalo ang Pangalawang Pangulo. ‘

Samantala, kaugnay nito, binigyang-diin ni Usec. Andres ang proseso raw ng batas na dapat sundin ni VP Sara bilang isang abugado. 

“Napakadelikado po na pahayag 'yan. Dahil bilang isa pong abogado kailangan pong tumalima sa batas. Kaya't may mga proseso po tayo ng mga imbestigasyon at 'yan po ay nakasaad sa ating batas, mga rules of procedure lahat po 'yan ay open at transparent,” ani Andres.

Iginiit din ni Andres na ang lahat daw ay may tungkulin na sumunod sa batas at mahalaga raw ang proseso nito bago tuluyang masakdal ang isang akusado, katulad ng nauugnay na imbestigasyon ng NBI kay VP Sara. 

“And lahat po tayo ay may katungkulan na sumunod sa rule of law. Ano naman po yung rule of law? Ito naman po ay yung proseso na dumaan sa batas, dumaan sa Constitution, para bigyan po ng pagkakataon ang lahat ng tao, bago maparusahan o mahugahan o makasuhan sa Korte na magpaliwanag. At hindi po dapat magkaroon ng ganoong perception ang mga abugado dahil wala po tayong ibang sasandalan kundi ang ating mga institution,” saad ni Usec. Andres.