December 22, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Ricky Davao, may dinaramdam daw na sakit?

Ricky Davao, may dinaramdam daw na sakit?
Photo Courtesy: Screenshot from One PH (YT)

Isang malungkot na balita ang nasagap umano ni showbiz columnist Cristy Fermin tungkol sa batikang aktor na si Ricy Davao.

Sa isang episode ng “Cristy Ferminute” nitong Martes, Disyembre 10, sinabi ni Cristy na may pinagdaraanan umanong sakit si Ricky.

“Nakarating sa akin ang balita na may pinagdadaanan ngayon ang magaling na aktor at direktor na si Ricky Davao. Hindi po mula sa amin manggagaling kung ano po ang pinagdadaanan niyang sakit ngayon,” saad ni Cristy.

“Mas maganda po kung sa kaniyang pamilya magmumula ang balita. Pero isa lamang po ang sabi ng aking source. Humihiling po ng dasal ang pamilya,” wika niya.

Tsika at Intriga

'Unbothered?' Karen Davila, nag-flex ng larawan kasama ang pamilya Laude

Dagdag pa ng showbiz columnist, “Ricky, magpagaling ka. At muli po, ang ating hiling sa ating mga kababayan, bigyan po natin ng panahon para sa isang panalangin si Ricky Davao.”

Pero sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang inilalabas na pahayag si Ricky o ang pamilya nito para pabulaanan o kumpirmahin ang nasabing tsika.