December 22, 2024

Home SHOWBIZ

Boy Abunda, nagustuhan pahayag ni Anthony Jennings

Boy Abunda, nagustuhan pahayag ni Anthony Jennings
Photo Courtesy: Screenshots from GMA Network and ABS-CBN News (YT)

Nagbigay ng reaksiyon si “Asia’s King of Talk” Boy Abunda kaugnay sa pahayag ni “Incognito” star Anthony Jennings sa isyung kinasangkutan nito at ni Maris Racal.

Sa isang episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” kamakailan, pinuri ni Boy ang maiksi ngunit hindi maligoy na public apology ni Anthony.

“I just want to say that I like the statement, gustong-gusto ko ho ‘yong statement ni Anthony Jennings. 22, 23 seconds, nag-apologize, nagsabing sorry do’n kay Jam [Villanueva] at kay Maris at lahat ng mga nadamay, end of story,” saad ni Boy.

Dagdag pa niya, “Less talk, less mistake, ‘ika nga. I thought it was proper, it was the best that he could do dahil ang detalye naman ay alam na ng sambayanan.”

Relasyon at Hiwalayan

Julia sa pagmamahal ni Marjorie kay Gerald: 'I really appreciate it!

MAKI-BALITA: Anthony Jennings, nagsalita na rin; nag-sorry kina Jam at Maris

Matatandaang bago pa man ito ay nagbigay na rin ng reaksiyon si Boy sa pahayag ni Maris tungkol sa mga inilabas na screenshot ni Jam sa Instagram story nito. Makikita sa mga screenshot ang pribado at intimate na pag-uusap nina Maris at Anthony sa isa’t isa.

MAKI-BALITA: Boy Abunda, duda sa pahayag ni Maris Racal?

MAKI-BALITA: 'My truth!' Jam Villanueva, may pasabog laban kina Maris Racal, ex-jowang si Anthony Jennings