Tila itutuon muna ng aktor na si Derek Ramsay ang kaniyang buong atensyon sa kaniyang pamilya lalo na ngayong nanganak na ang misis nitong si Ellen Adarna.
Sa ulat ng ABS-CBN News kamakailan, sinabi umano ni Derek na wala raw siyang ibang makitang gagawin para sa sarili niya.
"I don't know whatever you want to call it, but right now, I can't see myself doing anything else,” saad ni Derek.
Dagdag pa niya, "I've always said naman talaga … na kapag nagka-pamilya ako, my focus will be with them."
Matatandaang sa isang panayam noon kay Ultimate Multimedia Star Toni Gonzaga, inamin ni Derek na ayaw na raw niyang bumalik pa sa pagteteleserye bagama’t bukas umano siya sa pag-arte sa mga pelikula.
MAKI-BALITA: Derek Ramsay, wala nang balak bumalik sa teleserye
Sa katunayan, gumanap siya bilang si “Clark Martinez” sa “Kampon,” na isa sa mga lahok noong 2023 Metro Manila Film Festival.