Tila inexpose at nilaro ni Sheena Catacutan ang iba pang BINI members na sina Aiah, Colet, Maloi, Gwen, Stacey, Mikha, at Jhoanna, pagdating sa usaping "utang" at "panlilibre."
Sa thread na kaniyang X post nitong Lunes, Disyembre 9, iniisa-isa ni Sheena ang pagre-rate sa iba pang BINI members sa naturang usapin.
"Rating BINI Members: Utang/Libre Edition," panimula pa ni Sheena. Inuna niyang i-rate si Aiah.
"AIAH - 2/10 sa limang taon naming pag sasama, isang beses palang ata siya nanlibre samin so halos wala ako ma-rate sakanya. 2 pts nalang kasi mabait naman siya as a person, d lang siguro pala libre."
"COLET - /10 DESERVE NIYA NG SARILING APPRECIATION POST <3 ginawa ko tong thread para lang talaga sakanya. si ate colet ang pinaka mabait at mayaman namin na friend. kahit ayaw niya manlibre wala siya nagagawa dahil card niya lang gumagana at phone niya lagi ginagamit pang order ng food online. d siya nag lilista ng mga utang sakanya kaya nakaka limutan nalang niya at eventually nagiging libre nalang kasi nga nakalimutan na niya."
"MALOI - 3/10 3 out of 10 para i love you kahit gaano kababa irate ko sakanya okay lang kasi ako bias niya at kikiligin siya dahil nag i love you ako sakanya."
"GWEN - …/10 yung rate ko kay bebe loading palang. someday mararate ko din siya pag nanlibre na siya samin. deserve niya ng multiple chances, wala dapat pressure pag dating sakanya. trust her own timing."
"STACEY - 10/10 minsan phone din ni staks gamit pang order tas hinihintay namin isend niya kung tig magkano kami, yun pala tinamad na siya maningil so libre niya nalang daw."
"MIKHA - 8/10 pag wala gusto mag alay ng phone para umorder, phone niya binibigay niya para tumahimik na daw kami kasi ang ingay na daw namin. pero ang catch, d siya nakaka limot ng utang so need mo talaga mag bayad."
"JHOANNA - 5/10 lagi naman siya nanlilibre kaso ayoko yung halos araw araw niya sinesend yung list ng mga may utang sakanya. masyado siyang organized nakaka pressure mag bayad. kasalanan naman namin kasi nakisuyo kami sakanya na siya muna mag bayad pero nakaka ano kasi siya eh, ah basta may something kay ate jho na gusto namin idelay yung bayad sakanya para mas lalo siya mainis."
At syempre dahil ang humor niya ay very "humoring", ni-rate din ni Sheena ang sarili niya.
"SHEENA - 7/10 ay beh pag may hugutan ng card kung sino manlilibre, laging card ko nakukuha ewan ko ba. labag sa loob ko manlibre pero ano pang choice ko nabunot na card ko. pero minsan pag good mood ako nanlilibre ako bigla pero deep inside same kami ni ate jho na nililista mga utang ng ibang girls tas sinesend agad sa gc HAHAHAHAHA."
Samantala, umani ng iba't ibang reaksyon ang naturang rating ni Sheena sa kaniyang mga kagrupo.
Si Sheena Mae Catacutan—o mas kilala bilang Sheena—ang main dancer at sub-vocalist sa BINI. Siya rin ang pinakabata sa grupo. Ipinanganak siya noong Mayo 9, 2004.
BASAHIN: ‘Walo hanggang dulo:’ Sino-sino ang mga binibini ng BINI?