December 23, 2024

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Bea, 'di naniniwalang kasal ang hangganan ng lahat

Bea, 'di naniniwalang kasal ang hangganan ng lahat
Photo Courtesy: Bea Alonzo (FB)

Tila hindi na raw pine-pressure pa ng Kapuso star na si Bea Alonzo ang sarili na makaharap sa altar kasama ang lalaking pinakamamahal.

Sa ulat ni Pia Archangel sa Saksi kamakailan, sinabi ni Bea ang kasalukuyang pananaw niya hinggil sa pagpapakasal.

“Hindi naman marriage 'yong laging endgame ng lahat," saad ng aktres. "We have different paths. We have different destinies and faith. If it happens I'll be happy."

Kaya naman ayon sa isa niyang panayam, hindi raw isinasara ni Bea ang kaniyang puso sa pag-ibig. Pero sa ngayon, masaya at ini-enjoy muna niya ang pagiging single.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Matatandaang Pebrero nang basagin nina Bea at ng ex-fiancé niyang si Dominic Roque ang katahimikan tungkol sa umuugong na balitang hiwalay na sila sa pamamagitan ng isang social media post.

MAKI-BALITA: Bea Alonzo, binasag na katahimikan sa hiwalayan nila ni Dominic Roque