December 22, 2024

Home SHOWBIZ Teleserye

Lena, tsinugi na sa 'Batang Quiapo'

Lena, tsinugi na sa 'Batang Quiapo'
Photo Courtesy: Screenshots from ABS-CBN Entertainment (YT)

Tuluyan nang namaalam ang karakter ni Mercedes Cabral na si “Lena” sa primetime series na “FPJ’s Batang Quiapo” ng ABS-CBN.

Sa latest Instagram post ng CCM Film Productions nitong Biyernes, Disyembre 6, nagbigay sila ng pagpupugay kay Leni.

“Nakatatak na ang pangalang Lena sa FPJ’s Batang Quiapo! At ito ay dahil sa iyong napakahusay na pagganap, Mercedes Cabral!” saad sa caption.

Dagdag pa ng production, “Tiyak na ma-mimiss ka ng ating mga Ka-Batang Quiapo at ng buong CCM Film Productions! Hanggang sa muli! Good luck!”

Teleserye

Netizens windang sa 'Wish Ko Lang' dahil sa 'ipinagbabawal na bibingka'

Umani ito ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Special skill ung umaalon ung kilay "

"paalam lena finally congratulations miss Mercedes Cabral sobrang Galing"

"Adios at good riddance Lena... pinakulo mo talaga ang dugo namin sayo... dahil sa superb acting ni @mercedes__cabral "

"One of the best Ms. @mercedes__cabral "

"You've been always a fave!! So proud of and happy for you!! @mercedes__cabral "

"Deserving an award sa acting"

"Rip lena .,ang galing congratulations"

Namatay si Lena sa isang episode ng “Batang Quiapo” matapos siyang barilin ni Rigor dahil sa pananaksak na ginawa niya sa asawa at biyenan nito.

Matatandaang kamakailan lang ay naloka ang mga netizen sa kinahinatnan ng karakter ni Mercedes na nasiraan na ng bait. Nagmukha raw tuloy suspense at horror ang naturang serye.

MAKI-BALITA: 'Horror Quiapo na?' Serye ni Coco, pa-suspense-horror na raw