December 22, 2024

Home SHOWBIZ

Boy Abunda, duda sa pahayag ni Maris Racal?

Boy Abunda, duda sa pahayag ni Maris Racal?
Photo Courtesy: Boy Abunda (FB), Maris Racal (IG)

Nagbigay ng reaksiyon si “Asia’s King of Talk” Boy Abunda sa naging pahayag ni “Incognito” star Maris Racal tungkol sa isyung kinasangkutan ng ka-loveteam niyang si Anthony Jennings.

Sa latest episode ng “Fast Talk” nitong Biyernes, Disyembre 6, tila nakitaan ni Boy ng butas ang isang bahagi ng pahayag ni Maris na sinasabing hindi umano nito alam na karelasyon pa rin ni Anthony si Jam Villanueva.

Ayon kay Boy, “Mayro’n kayong exchange ng text messages ni Anthony na ‘delete tayo. Can you delete screenshots and messages?’ Sagot ni Anthony, ‘alam mo hindi pa naman ako nagde-delete.’ ‘Pero gets mo kung bakit kailangan nating mag-delete?’”

"And then there was a line in that conversation that said, ‘someday hindi tayo kinakailangang mag-delete; hindi tayo kinakailangang magtago,’” wika niya.

Relasyon at Hiwalayan

Julia sa pagmamahal ni Marjorie kay Gerald: 'I really appreciate it!

Kaya dagdag niya, “To say that you didn’t have any knowledge that they’re still together, medyo kino-question ko as an audience, as a commentator.”

Gayunman, ipinaabot pa rin ni Boy ang kaniyang paghanga sa tapang ni Maris na humarap at magsalita sa publiko.

Samantala, ilang oras matapos illahad ni Maris ang kaniyang panig, sumunod namang lumantad si Anthony upang humingi ng tawad sa mga naapektuhan.

MAKI-BALITA: Maris Racal, nagsalita na: 'I'm so embarrassed!'

MAKI-BALITA: Anthony Jennings, nagsalita na rin; nag-sorry kina Jam at Maris

Matatandaang nagsimula ang isyung ito nang ilabas ni Jam sa pamamagitan ng Instagram stories ang mga screenshot ng private conversation nina Maris at Anthony. 

KAUGNAY NA BALITA: 'My truth!' Jam Villanueva, may pasabog laban kina Maris Racal, ex-jowang si Anthony Jennings