Napag-alaman ng mga netizen na deactivated na raw ang Facebook account ng kontrobesiyal na Kapamilya actress na si Maris Racal, matapos pumutok nang bonggang-bongga ang pasabog na expose ni Jamela "Jam" Villanueva patungkol sa umano'y affair niya sa kaniyang ex-boyfriend na si Anthony Jennings.
Kapag bibisitahin nga raw ang account ni Maris sa Facebook ay hindi na ito makikita.
Ang Instagram account naman niya, bagama't nariyan pa, ay naka-turn off naman ang comment section ng recent posts.
Sa X account naman tumambay ang mga netizen na bumibirada sa kaniya, sa huling tweet/X post niya patungkol sa umano'y ilo-launch niya, subalit sa hindi inaasahang pagkakataon, naunahan daw siya sa "launching" ni Jam, na pagshe-share nga sa Instagram stories ng screenshots ng mga pag-uusap nila ni Anthony.
Maging sa grand media day ng pelikulang "And The Breadwinner Is..." ni Vice Ganda, na opisyal na kalahok sa Metro Manila Film Festival 2024, ay kapansin-pansing hindi sila isinama.
MAKI-BALITA: MaThon, inelbow sa grand media day ng pelikula ni Vice Ganda?
MAKI-BALITA: #BaliTanaw: Ang break-up statements nina Maris at Anthony sa mga ex-jowa nila