Nagbigay ng reaksiyon si “Asia’s King of Talk” Boy Abunda kaugnay sa isyung kinasasangkutan ng komedyanteng si Rufa Mae Quinto.
Sa latest episode ng “Fast Talk” nitong Lunes, Disyembre 2, sinabi niya ang nararamdaman para kay Rufa matapos niyang kumpirmahin ang isinilbing warrant of arrest sa komedyante.
“Kino-confirm ko po na mayro’ng mga warrant of arrest—not for Senator Manny Pacquiao—but for Rufa Mae, yes,” saad ni Boy.
Dagdag pa niya, “Medyo nababahala po ako bilang kaibigan at manager.”
Kaya sa palagay ni Boy, dapat daw pag-aralang muli ang kontrata ng mga nasa industriya tulad ni Rufa.
Ayon sa kaniya, “Kaninong responsibilidad ba ito? Naghikayat halimbawa ako na bumili ka ng bahay, naghikayat ako na bumili ka ng condo, saan nag-uumpisa at nagtatapos ang responsibilidad?”
“Do I own the company? I am liable, halimbawa, hindi pala masyadong kagandahan? I have so many questions,” dugtong pa ng King of Talk.
Samantala, tiniyak naman ng abogado ni Rufa na si Atty. Mary Louise B. Reyes na haharapin daw ng kliyente niya ang kasong isinampa rito.
MAKI-BALITA: Rufa Mae, sinilbihan ng warrant of arrest–lawyer
Matatandaang nauna nang lumutang ang tsikang ito tungkol kay Rufa sa “Showbiz Updates” ng showbiz insider na si Ogie Diaz.
MAKI-BALITA: Ispluk ni Ogie: Rufa Mae Quinto, Manny Pacquiao sinilbihan ng warrant of arrest?