December 23, 2024

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Fyang Smith, mas bet 'friends in public pero lovers in private'

Fyang Smith, mas bet 'friends in public pero lovers in private'
Photo Courtesy: Screenshot from TFC The Filipino Channel (YT), Freepik

Nagbigay ng pananaw si Pinoy Big Brother Gen 11 Big Winner Fyang Smith kaugnay sa gusto niyang set up ng relasyon.

Sa latest episode kasi ng BRGY kamakailan, inusisa ni PBB TV host Bianca Gonzalez si Fyan kung mas bet ba nito ang pribadong relasyon o relasyong bukas sa publiko.

May isa akong gustong itanong sa ‘yo connected to being a content creator. kasi no’ng nasa loob ka ng bahay, syempre nabuksan ang iba't ibang kuwento about your life tulad ng hindi magandang karanasan with someone who was very very mean na content creator din,” saad ni Bianca.

“And then sa loob ng bahay,” pagpapatuloy ng host, “na-witness natin 'yong isa pang [...] hindi talaga kagandahan na nagpadala pa ng kaniyang mensahe sa loob ng bahay. And both of them content creator, parang kumbaga bukas sa mundo ‘yong naging kwento mo, e.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Kaya usisa ni Bianca, “So after experiencing that, would you say na if ever in your next relationship, mas gusto mo bang mas private or okay lang sa ‘yo na i-share din sa mundo at sa ibang tao?"

"Friends in public, lovers in private. Yes," sagot ni Fyang.

"Ito ba ay realization pagkatapos nang lahat ng nangyari?" sundot naman ni Bianca.

"Hindi naman po,” paglilinaw ni Fyang. “Parang masarap sa feeling na akala nila friends.  [...] Ito lang po 'yong para sa 'kin. Parang mas okay na sa ‘kin ‘yong friends in public [pero] lovers in private." 

Matatandaang sa isang episode ng PBB Gen 11 noong Oktubre ay nagpadala ng mensahe ang manliligaw ni Fyang na si Sean Panganiban para sabihing itigil na nito ang panliligaw sa kaniya.