Paano kaya nakarating sa punto ng kaniyang buhay si Kapuso actress Beauty Gonzalez na hindi na raw siya nakakaramdaman pa ng insecurity sa relasyon?
Sa isang episode kasi ng “Fast Talk with Boy Abunda” kamakailan, inamin ni Beauty na kung nakakaramdaman man daw siya ng insecurity ay hindi sa relasyon nila ng asawang si Norman Crisologo kundi sa kaniyang sarili.
“More on myself,” saad ni Beauty. “Ang dami kong insecurity but not on the relationship with Norman. Nabawas-bawasan na. Thanks to Norman. Grabe ‘yong support na ibinibigay niya sa akin.”
Kaya naman kahit malaki ang agwat ng edad ni Norman sa kaniya, mapalad si Beauty na nagtagpo sila nito sa tamang pagkakataon.
Ayon sa kaniya, “Kasi if I’ve met him like years ago and hindi gano’n ‘yong age namin I’m sure marami siyang girls. Pero ngayon, parang sakto ‘yong timing ng pagkakakilala namin.”
“I want more security, he gave me that. I want support, he gave me also that. So parang all in one, I think it’s the right timing. We just feel lucky,” dugtong pa ng aktres.
Matatandaang sa panayam din ni Beauty sa “Fast Talk” noong Pebrero ay ibinahagi niya kung gaano ka-supportive si Norman sa mga ginagampanan niyang role sa pelikula man o teleserye.
MAKI-BALITA: Beauty Gonzalez, sinisita ba ng asawa sa ginagampanang roles?