Hinalungkat ng isang netizen ang umano’y tweet ni Kapamilya actress Kaila Estrada patungkol kay Daniel Padilla, higit isang dekada na ang nakalilipas.
Ito ay matapos ilantad ni Kaila sa publiko si Daniel sa gitna ng bulung-bulungan na may romantikong relasyong namamagitan sa kanilang dalawa.
Sa naturang tweet ni Kaila noong Abril 27, 2012, nilinaw niyang wala umano siyang kaugnayan kay Daniel.
Aniya, "Guys just to make it clear, I'm not related to Daniel Padilla, and I don't know him personally. Thanks.”
Anak si Kaila nina Janice De Belen at John Estrada samantalang si Daniel naman ay anak nina Rommel Padilla at Karla Estrada.
Sey tuloy ng netizen sa X, tila tinadhana raw talaga sina Kaila at Daniel sa isa’t isa.
“She tweeted this on april 27, 2012, when they haven't met each other yet. and then in april 28, 2026 she posts a photo of them as boyfriend and girlfriend on her Instagram stories ” anang netizen.
Matatandaang matagal nang umuugong na may namamagitan na kina Daniel at Kaila simula nang magkasama sila sa action series na “Incognito.”
Sa isang episode ng “Showbiz Updates” noong Setyembre 2025, inispluk ni showbiz insider Ogie Diaz na mag-jowa na umano ang dalawa.
Maki-Balita: Daniel Padilla, Kaila Estrada mag-jowa na, ispluk ni Ogie Diaz
Ngunit nang tanungin si Daniel ni ABS-CBN showbiz reporter MJ Felipe sa isang panayam, hindi niya itinanggi o pinabulaanan ang nasabing tsika.
Sabi lang niya, “Huwag n’yo na muna kaming kulitin, just let it be. Hayaan na lang nating mangyari ang mga bagay. And again, ayaw ko siyang maging showbiz, e. Well 'di pa rin naman maiiwasan 'di ba pero may choice pa rin naman ako, 'di ba?”
Maki-Balita: Ayaw magpaka-showbiz! Daniel Padilla, naurirat kung may jowa na