Tila malaking tao raw ang nasa likod ng pagkakaaresto ng tinaguriang “wais na misis” na si Neri Naig-Miranda ayon kay showbiz insider Ogie Diaz.
Sa latest episode ng “Showbiz Updates” nitong Martes, Nobyembre 26, inispluk niya ang nasagap niyang tsika mula sa kaibigan niya tungkol sa taong nakabangga umano ni Neri.
“Sabi no’ng friend ko e mukhang malaking tao ang nakabangga ni Neri. Kasi sinadyang Saturday ipahuli para walang piyansa. Weekend. Walang piyansa,” lahad ni Ogie.
Dagdag pa niya, “Saka 13 ‘yong criminal case. So, baka raw 13 counts ‘yon. Actually, may nag-send pa sa atin ng mugshoots. “
Pero ayon sa showbiz insider, mas minabuti lang daw nila na hindi ilabas pa ang naturang larawan. Humingi lang umano siya ng kopya upang makumpirma kung totoo ba talaga ang balita.
“Baka fake news, baka AI,” saad pa ni Ogie.
Matatandaang nauna nang ibinalita ni Ogie sa nasabi ring showbiz-oriented vlog ang tungkol sa pagkakadakip ni Neri dahil umano sa paglabag sa Republic Act (RA) 8799 Section 8, o may titulong "Registration of Brokers, Dealers, Salesmen and Associated Persons" ng Security of Exchange Commission o SEC.
MAKI-BALITA: Misis ni Chito Miranda na si Neri Naig Miranda inaresto?
Samantala, kinumpirma naman ng Southern Police District nito ring Martes, Nobyembre 26, na may isang aktres-negosyante nga raw silang inaresto.
MAKI-BALITA: Southern Police District, kinumpirmang may dinakip na aktres na alyas 'Erin'