November 27, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Chito, nag-post sa gitna ng isyung kinasasangkutan ng asawa

Chito, nag-post sa gitna ng isyung kinasasangkutan ng asawa
Photo Courtesy: Chito Miranda (FB)

Pansamantalang binasag ni Parokya ni Edgar lead vocalist Chito Miranda ang kaniyang pananahimik sa social media matapos pumutok ang isyung kinasasangkutan umano ng misis niyang si Neri Naig.

Sa latest Facebook post ni Chito nitong Martes, Nobyembre 26, ibinahagi niya ang larawan ng isang Lego figure ng isang Star Wars character na si Grogu.

“Ang pinaka-cute na Lego figure Kay Migs 'to pero parang gusto ko hingin eh” saad ni Chito sa caption.

Kahit walang kaugnayan ang post sa isyu ng kaniyang misis, hindi ito naiwasang ungkatin ng isang netizen sa comment section. Narito ang kaniyang hanash.

Tsika at Intriga

Neri Naig, malaking tao raw ang nakabangga

“Ito basahin mo bago mo burahin, nung ok pa si neri panay ka flex sa kanya, pero ngayong nasa lowest point sya ng kayang buhay di ka man lang maka pagflex ng suporta sa kanya o pagpapakita ng pagkalinga ng isang asawa anupaman ang kinakaharap nya,” sey ng netizen. 

Dagdag pa niya, “Ngayon ka dapat magpakita sa tao na mahal mo sya hindi nung malakas pa sya kumita. Di namin alam ang dahilan kaya mga dapat ikaw ang magsilbing ilaw nya nagyon. Di yung manahimik ka at taga bura lang ng comment yung iba concern lang din kasi marami rin na inspire sa asawa mo.”

Naging ugat ng diskuyon ang komentong ito. Nagbahagi na rin ang ilang netizens ng kani-kanilang reaksiyon:

" ako nga nagtanong nung nkaraan para confirm if totoo yung balita kaso binura nya comment ko dito"

“True mabait nman tlaga si Neri baka my something lng tlaga no body's perfect nman eh bsta alam q mabuti syang Ina ”

"mga tol anuba gusto nyu gawin ni idol Chito Miranda . Kayu nanga nagsabi na nasa lowest point sila ng buhay nila ngayun so hayaan nalang muna natin kung anu ang plano nila. Isa lang masasabi ko idol natin sila pero mga tao din ang mga yan. Ikaw kaya magkaissue asawa mu anu ba ipopost mu? Wag atat maghintay tayu."

"bigyan muna natin ng space kase hindi naman natin kaanu anu yan. Idol natin sila pero hindi natin hawak buhay nila. Idol Chito Miranda di magbabago paghanga ko sayu lakasan nyu lang po loob mu idol alam namin kaya muyan."

“GUSTO MO BA MAG HIMAS REHAS DIN SI CHITO SIYEMPRE HINDI BAKA MAGING ACC0MPLICE PA SIYA NG ASAWA NIYA. ”

“kailan pa naging basehan ng totoong pgsuporta at pgmmahal at pag ayos ng problema ang socmed? Awit naman”

Matatandaang nauna nang ibinalita ni Ogie sa nasabi ring showbiz-oriented vlog ang tungkol sa pagkakadakip ni Neri dahil umano sa paglabag sa Republic Act (RA) 8799 Section 8, o may titulong "Registration of Brokers, Dealers, Salesmen and Associated Persons" ng Security of Exchange Commission o SEC.

MAKI-BALITA: Misis ni Chito Miranda na si Neri Naig Miranda inaresto?

Samantala, ayon naman sa ulat ng ABS-CBN News nitong Miyerkules, Nobyembre 27, si Neri umano ang aktres-negosyanteng inaresto ng Southern Police District nitong Martes, Nobyembre 26.

MAKI-BALITA: Southern Police District, kinumpirmang may dinakip na aktres na alyas 'Erin'

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang inilalabas na anomang pahayag o reaksiyon ang mag-asawa kaugnay sa naturang isyu.