December 26, 2024

Home SHOWBIZ Pelikula

Matapos humakot ng bilyon: KathDen, bet utangan

Matapos humakot ng bilyon: KathDen, bet utangan
Photo courtesy: Star Cinema (IG)/via Balita

Trending sa X ang "KATHDEN PAUTANG" matapos lumabas ang balitang naka-bilyon na ang kabuuang kita ng pelikulang "Hello, Love, Again" kina Kathryn Bernardo at Alden Richards.

Nitong Linggo ng umaga, Nobyembre 24, ipinamalita na ng mga producer ng pelikula ang magandang balita.

Bukod sa HLA na nga ang "highest-grossing Filipino movie of all time" na saglit na naagaw ng "Rewind" nina Kapuso Primetime King and Queen Dingdong Dantes at Marian Rivera sa "Hello, Love, Goodbye," lumikha rin ito ng kasaysayan dahil ito na ang kauna-unahang pelikulang Pilipino na umabot sa bilyon ang kita.

Kaya nagkalat ngayon sa social media na sana raw ay "pautangin" sila ng KathDen, dahil tiyak daw na may matatanggap silang bonus sa management dahil sa super blockbuster hit ng pelikula, at take note, wala pa itong isang buwan. Wala pa ngang dalawang linggo ang pelikula sa mga sinehan, at asahang mas madaragdagan pa ang kita nito sa mga susunod na linggo.

Pelikula

Vice Ganda, 'di papakabog? 'And The Breadwinner Is' sold-out na sa iba't ibang sinehan!

KAUGNAY NA BALITA: 'Hello, Love, Again,' lumikha ng kasaysayan; kauna-unahang Pinoy film na kumita ng ₱1B

Anyways, marami naman ang nagtatanong kung what's next na ba sa tambalang KathDen pagkatapos ng pelikula. 

May mga humihirit kasi na kung hindi pelikula, sana raw ay mapagsama sila sa isang teleserye na co-production pa rin ng ABS-CBN Studios at GMA Network, na naging posible naman sa kauna-unahan nilang collaboration, ang "Unbreak My Heart" nina Jodi Sta. Maria, Richard Yap, Gabbi Garcia, at Joshua Garcia. 

KAUGNAY NA BALITA: Alden, Kathryn bukas sa posibilidad na magkatrabaho ulit!

KAUGNAY NA BALITA: KathDen, hinihiritang mag-collab ulit para sa 'Queen of Tears' adaptation