December 26, 2024

Home SHOWBIZ Pelikula

Kathryn Bernardo, ginawaran ng Snow Leopard Rising Star Award

Kathryn Bernardo, ginawaran ng Snow Leopard Rising Star Award
Photo Courtesy: Sthanlee Mirador via MJ Felipe (FB)

Isa na namang parangal ang natanggap ni Outstanding Asian Star Kathryn Bernardo sa ginanap na 2024 Asian World Film Festival (AWFF).

Sa press release na inilabas ng AWFF, nakasaad doon na si Kathryn umano ang isa sa  “most bankable and beloved performers” ng Pilipinas.

Kasama ni Kathryn na dumalo sa nasabing film festival ang kaniyang “Hello, Love, Again” co-star na si Alden Richards. Ipinalabas din doon ang nasabing pelikula.

Ang AWFF ay itinatag ni Sadyk Sher-Niyaz upang dalhin ang Asyanong pelikula sa Los Angeles at paigtingin ang relasyon ng Hollywood at Asian film industries.

Pelikula

Vice Ganda, 'di papakabog? 'And The Breadwinner Is' sold-out na sa iba't ibang sinehan!

Samantala, naungusan na ng “Hello, Love, Again” ang "Rewind" nina Kapuso Primetime King and Queen Dingdong Dantes at Marian Rivera bilang highest-grossing Filipino film of all time.

MAKI-BALITA: Hello, Love, Again natalbugan ang Rewind; netizens, nag-aaway sino bumitbit ng pelikula

Pero matatandaang bago pa man ito, humataw na sa takilya ang naunang pelikula nina Alden at Kathryn na “Hello, Love, Goodbye.”

BASAHIN: BALITAnaw: Mga pelikulang Pilipinong humataw at tumabo sa takilya

Congrats, Kathryn!