Ipinagdiwang ng beauty queen-actress na si Maxine Medina ang araw ng binyag ng panganay nila ng mister niyang si Timmy Llana.
Sa latest Instagram post ni Maxine nitong Sabado, Nobyembre 23, ibinahagi niya ang serye ng mga larawang kuha sa ginanap na binyagan.
“Today, we celebrate Zeke’s baptism—a day of blessings, love, and faith,” saad ni Maxine sa caption.
Dagdag pa niya, “May you always walk in the light of God’s grace, my little one. You are so loved!”
Umani naman ng pagbati mula sa mga netizen ang naturang post. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
"Welcome to the Christian world Zeke! Sobra gwapo"
"He is a blessing "
"Soo cute "
"Congratulations! "
"I baptized my child also here, welcome to christian world baby! "
Tila kay bilis ng panahon dahil last year lang ikinasal sina Maxine at Timmy at ngayon ay may panganay na silang napabinyagan.
MAKI-BALITA: Maxine Medina ikinasal na kay Timmy Llana
Matatandaang sa pamamagitan ng isang Instagram post ay ipinasilip pa ni Maxine ang mga larawan ng prenup shoot nila ni Timmy.
MAKI-BALITA: Miss Universe PH 2016 Maxine Medina, ipinasilip ilang larawan sa prenup shoot