December 23, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

JC De Vera, na-offend sa 'biro' ni Alex Gonzaga

JC De Vera, na-offend sa 'biro' ni Alex Gonzaga
Photo Courtesy: Screenshot from One News PH (YT), Alex Gonzaga (IG)

Nakakaloka ang isiniwalat ng aktor na si JC De Vera tungkol sa isa umanong artistang may attitude na nakasama niya sa gag show na “Lokomoko” ng TV5.

Sa isang episode ng “Long Conversation” ng One News PH kasama si Stanley Chi, ikinuwento ni JC encounter nila ng aktres at vlogger na si Alex Gonzaga first few taping days ng nasabing gag show.

“First time kong makilala si Alex Gonzaga—hindi ko siya kilala personally—pero since makakasama ko siya sa isang show, nakilala ko na siya,” saad ni JC.

“’Yong first few taping days namin doon, nag-out-of-town shoot kami. So, naka-shades ako na pula… Tapos tinanong niya ako, ‘JC, original ba ’yang shades mo?’” wika niya.

Tsika at Intriga

Karanasan ni BJ Pascual kay Kristine Hermosa, naungkat dahil kay Denise Julia

“Natawa ako,” pagpapatuloy ni JC. “Hindi ko alam kung maiinis ba ako o maaasar ba ako sa kaniya. Pero definitely, na-offend ako. Pero alam ko, hindi niya mini-mean. Kasi hindi naman talaga kami magkakilala pa.”

Ayon sa aktor, hindi raw niya alam kung sinadya raw ba ni Alex na mamuna nang gano’n. Kaya sinagot na lang daw niya ang tanong nito at sinabing original ang suot niyang shades.

Pero hindi raw maitatangging nagkaroon ng awkward moment sa pagitan nila dahil kabago-bago niya lang daw noon sa TV5 at pinagkakamalan agad siyang nagsusuot ng mga pekeng gamit.

Sa kabilang banda, hindi rin naman daw inaalis ni JC ang posibilidad na baka iyon daw talaga ang paraan ni Alex upang makipagkaibigan sa isang tao. Tila naging okay din naman sila dahil nakagawa pa nga sila ng ibang proyekto.