November 19, 2024

Home SHOWBIZ

'Kanino ka lang?' Bernadette Sembrano, ipinaliwanag 'Sa'yo ako' meme

'Kanino ka lang?' Bernadette Sembrano, ipinaliwanag 'Sa'yo ako' meme
Photo courtesy: Screenshot from Kapamilya Online Live (YouTube)

Naging meme na tuloy ang "blooper" ng TV Patrol news anchor na si Bernadette Sembrano-Aguinaldo matapos aksidenteng mahagip sa camera ang sinabi niyang "Sayo ako, ha?" sa cameraman habang naghihintay ng cue ng kaniyang live reporting noong Nobyembre 15.

Hindi siguro aware si Ate B na umeere na pala siya kaya naman sapul na sapul ang nasabi niya, bago sumalang sa aktuwal na pagbabalita.

Sa warehouse ng Sagip Kapamilya Foundation nag-live reporting si Ate B, para ipakita ang pagkilos ng foundation arm ng ABS-CBN sa pagtulong sa mga nasalanta ng mga bagyong nagdaan, at hinimok ang mga manonood na puwede rin silang mag-donate. 

Dahil dito, agad itong naging meme at naugnay pa tuloy sa usaping pag-ibig.

Musika at Kanta

Andrew E., sa isyu ng 'Humanap Ka Ng Panget:' 'Yong accusation is not authentic'

"the assurance we all need"

"Kanino ka lang Ate B?"

"New meme is born hahaha."

"Ay oo sa'yo lang ako..."

"Ganiyan sinasabi sa akin ng jowa ko pag nag-aano kami hahaha."

Sa latest interview ng ABS-CBN News sa mamamahayag, sinabi niyang wala kasi ang floor director nang mga sandaling iyon, at medyo marami raw nangyayari sa paligid.

Kaya sabi niya sa cameraman na kausap niya, sa camera lang niya ito siya titingin para hindi siya maguluhan.

Kamakailan lamang ay naging laman din ng eme ang kapwa niya news anchor na si Karen Davila matapos naman mahagip sa likuran ni Kabayan Noli De Castro habang nagbabalita na.