December 22, 2024

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Mister ni Direk Cathy, dati niyang 'anak'

Mister ni Direk Cathy, dati niyang 'anak'
Photo Courtesy: Screenshots from Bernadette Sembrano (YT)

Ibinahagi ni blockbuster director Direk Cathy Garcia ang love story nila ng mister niyang si Louie Sampana nang kapanayamin siya ni Bernadette Sembrano.

Sa latest episode ng vlog ng Kapamilya broadcast-journalist, sinabi ni Direk Cathy na 20 taon daw ang agwat ng edad nila ni Louie.

“Naging camera man ko siya totoy na totoy pa in ‘Got To Believe’ with KathNiel. Ang tawag ko sa kaniya, anak. Ang tawag niya sa akin, nanay," saad ni Direk Cathy.

"Ngayon ko lang napansin—kasi hindi ko naman siya natititigan dati—‘hmmmm may hitsura pala ‘tong batang ‘to.’ Tapos ‘yon na, the rest is history,” wika niya.

Relasyon at Hiwalayan

Julia sa pagmamahal ni Marjorie kay Gerald: 'I really appreciate it!

Dagdag pa ng direktor, minahal daw ni Louie ang mga kaniyang mga anak sa nauna niyang asawang si Philip Molina na namatay sa isang aksidente noong 2009.

“Dumating sa point na nale-left out na ko. Nagseselos na ako. Kasi mas malapit ‘yong taon nila kaysa sa taon namin,” aniya.

Matatandaang ikinasal sina Direk Cathy at Louie noong nakaraang taon, Mayo 3, sa Zambales.