December 22, 2024

Home SHOWBIZ

Mercy Sunot ng Aegis, pumanaw na

Mercy Sunot ng Aegis, pumanaw na

Ikinagulat ng fans ang balita ng pagpanaw ng isa sa mga lead vocalist ng bandang Aegis na si Mercy Sunot, na nakipagbuno sa malubhang mga sakit na breast cancer at lung cancer.

Naiulat pa sa Balita ang paghingi ng dasal at pagbibigay ng update ni Mercy sa kaniyang TikTok account hinggil sa katatapos na operasyon sa kaniyang baga.

Umapela siya ng dasal sa netizens na matapos na raw sana ang pagsubok na kaniyang pinagdaraanan sa kalusugan.

Inamin ni Mercy na nang mga sandaling iyon ay hirap siyang makahinga.

Relasyon at Hiwalayan

Rayver Cruz, todo-bigay kapag nagmahal

Nitong Lunes, Nobyembre 18, bumulaga ang balitang pumanaw na raw si Sunot na ikina-shock ng netizens matapos nilang mapanood ang TikTok video na ini-upload ng singer noong Nobyembre 16.

Ayon sa ulat ng Philippine Entertainment Portal o PEP, pumanaw si Mercy sa Stanford Hospital and Clinics sa San Francisco, California, noong gabi ng Nobyembre 17, 2024 (Nobyembre 18 ng umaga sa Pilipinas).

Wala pang inilalabas na opisyal na pahayag ang Aegis tungkol sa pagpanaw ni Mercy, subalit ilan sa mga malalapit na kaibigan niya ang nag-post na patungkol sa kaniya.

MAKI-BALITA: Mercy Sunot ng Aegis, umapela dahil sa lung cancer: 'Pag-pray n'yo ko!'