May 22, 2026

Home SHOWBIZ Musika at Kanta

Anong isasalpak sa 12:00 noon? ASAP XP nilipat ng timeslot, nasa 5:30 PM na!

Anong isasalpak sa 12:00 noon? ASAP XP nilipat ng timeslot, nasa 5:30 PM na!
Photo courtesy: Screenshot from ASAPOFFICIAL (FB)

Umani ng samu't saring reaksiyon at komento mula sa mga netizen, lalong-lalo na ang solid Kapamilya viewers, nang ianunsyo ng ABS-CBN na sa simula Mayo 17, ang longest-running musical noontime show nilang "ASAP" ay tatawagin nang "ASAP XP" (gen Z term sa experience) at malilipat na ito sa 5:30 ng hapon, mula sa nakasanayang 12:00 ng tanghali.

Ayon sa posts ng social media platforms ng ABS-CBN, sa Mayo 17 mapapanood ang pangmalakasang sold-out concert sa Smart Araneta Coliseum simula Mayo 17, sa primetime.

"Catch the biggest & brightest Filipino concert XPerience on Primetime!" mababasa sa post.

"Tuluy-tuloy ang celebration with your favorite Kapamilya stars sa ASAP XP, on its new timeslot, SUNDAYS | 5:30PM starting May 17!"

Narito naman ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens:

Musika at Kanta

Hollywood Pop Star Katy Perry, napansin ang 'Thinking of You' cover ni Jayda Avanzado

"Ligwak sa rating kaya bagong timeslot, pag di gumana, goodbye na."

"Anyari ASAP? Sanay na kami kasalo sa pananghalian ang ASAP!"

"awesome sun after party.. an awesome show deserves wider reach, deserves primetime..."

"ASAP means Allstar Sunday Afternoon Party. So, 5:30pm is already considered early evening not afternoon. ASEP na dapat."

"Why lumipat ng timeslot? Nasanay tayo simula noon pa tuwing tanghali ng Linggo."

"Nakasanayan na sa tanghalian ang ASAP for the past decades, pero nagbabago na rin ang panahon kaya ayos na rin, for better ad rates, and wider audience. Laban, ASAP XP!"

"Sana meron pa rin ieere sa 12pm. Kasi sanay na ang mga tao. Sana iere na lang yung previous episode ng 12pm tapos yung new episode ng 5:30. Para kahit papano meron pa rin sa 12pm."

"Bongggaaaaaaa Para tuloy ang kasiyahan.... Dapat Sana after ASAP.. ung game show n luise tapos wansapantym tapos ypeak..."

Mapapanood ang ASAP XP sa iba't ibang platforms gaya ng ALLTV, A2Z, Kapamilya Channel, gayundin sa Kapamilya Online Live at iWant.