December 22, 2024

Home SHOWBIZ

Francine Diaz sa mga basher: 'Sobrang observant n'yo naman!'

Francine Diaz sa mga basher: 'Sobrang observant n'yo naman!'
Photo Courtesy: Screenshot from Francine Diaz (YT)

Tila hindi minamasama ng Kapamilya actress na si Francine Diaz ang mga sinasabi sa kaniya ng bashers niya.

Sa latest episode ng vlog ni Francine nitong Linggo, Nobyembre 17, nausisa siya kung anong sentence ang masasabi niya para sa mga taong ayaw sa kaniya.

“Thank you talaga,” saad ni Francine. “Ako sa sarili ko, ha, sino ba ako para pag-aksayahan n’yo ng panahon? Para magtu-tweet-tweet kayo, gumawa kayo ng videos mag-comment kayo na, 'ang panget ng mukha ni Francine! Ang panget ng ugali niya! Ang laki ng bunganga! Ang laki ng mukha niya!’” 

“Napansin n’yo ‘yon? Sobrang observant n’yo naman sa akin. But seriously, thank you,” dugtong pa niya.

Tsika at Intriga

Gigi De Lana banned sa ABS-CBN, GMA?

Ayon sa aktres, kapag lalo raw siyang nakakarinig ng hindi magaganda mula sa bashers ay napagtatanto niya na tila nakikilala na talaga siya ng ibang tao.

“Kasi kung hindi naman ako nakikilala, ’di n’yo naman ako papansinin, e. Sino ba ko para i-bash n’yo? So thank you for all of the hate comments. Go on. Keep ’em coming,” aniya.

Matatandaang noong Agosto ay minsan na ring nagbigay ng pahayag si Francine sa mga pumipintas sa panga niya.

MAKI-BALITA: Francine Diaz, keber sa mga pumipintas sa malaking panga niya