Posible raw na muling mapanood nang magkasama sa isang proyekto sina Outstanding Asian Star Kathryn Bernardo at Asia’s Multimedia Star Alden Richards.
Sa isang episode ng “On Cue” kamakailan, ibinahagi nina Alden at Kathryn kung ano ang ikokonsidera nila sa pagpili ng susunod nilang proyekto pagkatapos ng “Hello, Love, Again.”
“Once siguro na may magandang story, something new, something different to show the people,” saad ni Alden.
Segunda naman ni Kathryn, “Basta may magandang materyal, why not?”
Pero kung teleserye raw ang gagawin, management daw nilang dalawa ang mag-uusap tungkol sa nasabing bagay. Alam naman ng lahat na kapwa A-listers ng kani-kanilang home network ang dalawa.
“Bago naman nila i-pitch ‘yon, maraming discussion ‘yon. [...] So, kapag naka-decide na, both networks, and the ipi-pitch sa amin, we’re just very open naman with it,” paliwanag ni Kathryn.
Matatandaang nitong Linggo, Nobyembre 17, isang kasaysayan ang naitala ng “Hello, Love, Again” matapos nitong makaposisyon bilang ikawalo sa 10 pelikulang may pinakamalaking kita sa Amerika ngayong linggo.
MAKI-BALITA: 'Hello, Love, Again,' pasok sa Top 10 highest grossing film sa US