May 22, 2026

Home BALITA National

Arrest warrant kay Dela Rosa, valid; lahat ng ebalwasyon ng SC, ibabato sa DOJ—Palasyo

Arrest warrant kay Dela Rosa, valid; lahat ng ebalwasyon ng SC, ibabato sa DOJ—Palasyo
Photo courtesy: File Photo, MB

Nanindigan ang Malacañáng na maituturing na valid ang warrant of arrest ng International Criminal Court (ICC) laban kay Sen. Ronald “Bato” dela Rosa at tiniyak nilang isusumite raw sa Department of Justice (DOJ) ang lahat ng interpretasyon at ebalwasyon ng resolusyong inilabas ng Korte Suprema. 

Pagkatapos ito ng hindi pag-apruba ng Korte Suprema nitong Miyerkules, Mayo 20, 2026, sa inihaing temporary restraining order (TRO) ng kampo ni Dela Rosa laban sa inisyung arrest warrant ng ICC sa kaniya. 

Matatandaang opisyal na naglabas ng warrant of arrest ang ICC laban kay Dela Rosa noong Mayo 11, 2026, kaugnay sa naganap na giyera kontra droga sa panahon ng panunungkulan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. 

KAUGNAY NA BALITA: 'Legit!' ICC, kinumpirma arrest warrant laban kay Dela Rosa

Ayon naman sa naging pahayag ni Castro noong Lunes, Mayo 19, tiniyak niyang masasabi pa rin daw na valid ang arrest warrant laban kay Dela Rosa dahil na rin sa hindi pag-apruba ng Korte Suprema sa apelang TRO ng senador.

National

PNP, susunod sa kautusan ng DOJ na ipatupad arrest warrant ng ICC vs Sen. Bato

“Sa ngayon, masasabi po natin na ang warrant of arrest ay valid laban dito kay Sen. Bato dela Rosa,” pagsisimula niya. 

Ani Castro, sisiguraduhin daw nilang maisusumite kay DOJ Sec. Fredderick A. Vida ang lahat ng interpretasyon at ebalwasyong nasasaad sa inilabas na resolusyon ng Korte Suprema kaugnay sa hindi nito pagtanggap sa apelang TRO ni Dela Rosa. 

“Ang lahat ng interpretasyon at evaluation ng nasabing resolution ng Supreme Court ay ibabato natin kay Sec. Fredderick Vida,” pagtatapos pa niya.

Matatandaang hindi na muli pa nakita ng publiko ang presensya ni Dela Rosa matapos itong makatakas sa mga awtoridad at makaalis sa Senado noong 2:30 ng madaling-araw ng Huwebes, Mayo 14. 

KAUGNAY NA BALITA: Sen. Bato, 'di pwedeng umattend ng impeachment trial via online!

KAUGNAY NA BALITA: Castro, kinudang si Bato lang nakinabang sa gulo sa Senado!